Mariposa

Alam mo bang kanina pa ako magdamag nang nakatingin sa ‘yo
‘Di mo lang alam, sa gitna ng kadilimang ‘di mapakali, ako’y nabighani

REFRAIN
‘Di mo lang alam, inaasam
Ang panahong makapiling ka sa una’t huling pagkakataon

CHORUS
Dahil dito sa mariposa ay mahirap ang nag-iisa
Dahil dito sa mariposa ako lang ata ang nag-iisa

Nagsisising matatapos ang gabing alam naman nating meron nang taning
Nagsisising gigising sa katotohanan ‘di ka naman talaga akin

[Repeat REFRAIN]

Ayoko nang mag-isa

Advertisements

Awit ng Isang Ina

Dugo at pawis ang puhunan
Nang iluwal ang sanggol
Kaya’t di tutugot hanggang sa maidulot
Ang bukas na ligtas sa salot.

Tahan na, anak, tahan na,
Nagsisikip ang dibdib ng ‘yong ina,
Sa’yo’y sugatan sa paglinis ng marumi ng ilan.

Pakinggan mo ang daing ng bayan,
Sinisiil ng sakim na iilan;
Kalayaang ginapos, mamamayang nagpupuyos,
Ang sigaw– pagbabagong lubos.

Dugo at pawis ang puhunan
Upang ipagtanggol ang sanggol,
Mga kamay na laang umaloy sa duyan
Natututong sagutin ang hamon.