Mga Sipi mula sa “Kabilang sa mga Nawawala” ni Ricky Lee

•    Lahat ng bagay sa lahat ng panahon ay ang sarili nito at hindi ang sarili nito. (Engels)
•    Winawasak ng ating mga panahon ngayon ang pagsasama ng mga mag-aama at mag-iina. (Dante)
•    Sa mundo, lahat ng bagay ay magkakakabit. Walang nag-iisa o hiwalay. Kaya mahalaga ang pakikisangkot.
•    Pero sasabihin mo sa akin, ikaw na ibang klase ang buhay at walang nalalaman sa mga pulitika at mga pang-aapi at pagkawala, paano kung ang asawa mo’y tinadtad na ng kaaway, pinugutan ng ulo’t itinapon sa mga sulok ng maruming Maynila? Paano kung ang anak na binatang inalagaan mong ni langaw o lamok ay di pinadadapuan, ipinagtatali ng sintas ng sapatos at nilalagyan ng band-aid kapag nadadapa, ay inilibing na ng buhay, tinatawag ka at di mo marinig? Anong sasabihin mo sa pusong matibay? Hanggang di nakikita ang katawan, isinasagot ng kamag-anak ng desaparecido, hanggang naniniwala akong buhay siya, mananatili siyang buhay. Saka aaminin, habang hawak-hawak ang retrato ng asawa, minsa’y nanghihina rin siya, at naiisip niya, paano kung itinapon nila ang bangkay sa dagat, at umuulan, at nababasa ito?! Kapag umuulan pinakamasakit ang mga alaala.
•    Di tayo titigil, Gene, hangga’t di lahat ng nawawala ay naibabalik. (Jun-Jun)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s