Untitled

sad

Pinipilit ko ngayon ang isang bagay na napakahirap gawin.

Ayaw ko sanang pumikit
Pagkat sa dilim nakikita ko ang iyong mukha
Sa katahimikan ng karimlan namamayani ang iyong tinig
At hindi ko ito ninanais.
Pagkat ang alaala mo ay drograng nakakaadik.
Inililipad ang isip sa kawalan na pawang kay tamis.
Bagama’t ramdam ang pait sa dibdib
Pagkat walang katiyakang tamis ang hahantungan.
Puwang ang dulot mo sa’king kabuuan.

Gusto ko sanang pigilin
Ang pagpasok mo sa kamalayan
Lagyan ng harang ang bawat lagusan
At nang ang iyong mga labi’y hindi makadaan
Anu pa’t dulot lamang ay lalo pang pananabik
Lihis na riyalidad ang saki’y nananaig.

Hindi mo ito kasalanan. At hindi rin akin.
Ngunit ako ang sadyang agrabyado.
Higit na pagkapata ang aking nadarama.
Diwa’y nagpapatuloy sa kabila ng mabigat na talukap ng mata.
At ang pagod na una’y sanhi ng paggawa, kulang sa tulog, at panahong di-mawari
Nagpapatuloy.
Pagkat ulit-uli, gunita mo ay dumarating.

(April 10, 2009)

Advertisements

2 thoughts on “Untitled

    • Hi! Thanks for the comment. Just want to clarify – hindi ako si papa kiko. Hehe. But you can still repost this if you want. 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s