Welga! Welga!

ni Eugene Adalia

Malapit na akong magpiket
sa tapat ng bahay n’yo

kukuha na’ko ng kartong
Maputi at malinis mula
Sa pangarap ko para sa atin at
susulatan ko ng matingkad na pulang
Galing sa damdamin kong
Matagal nang nangangayayat
Sa biyaya ng sulyap mo at pansin
Tapos ay ititindig ko ng patpat na matibay
Na pundasyong walang dahas
Ang maaaring bumuwag at
Magmamartsa ako pa-ikot-ikot
Sa bakuran ninyo
Habang isinisigaw
Ang tunay na slogang
Matagal nang nagwawala
Sa aking dibdib
Hanggang sa wakas
Ay maririnig mo at sa huli’y
Tapunan ako ng kahit simpleng tingin

Kaya bago matuloy ang aking binabalak
Mag-isip ka sinta
Dahil malapit na malapit na’kong magwelga.

[mula sa The Horizon (2000), ang opisyal na literary folio ng Trinity Observer]

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s