Soneto ng Pagbangon

ni Dennis Selvio

Sasalubungin ko ang umaga nang may ngiti:
Yayakapin ang sinag ng madaling araw,
Hahalikan ang simoy na dadampi sa aking labi,
Habang hinahawakan ang lamog na kay ginaw.

Iikot ako kasabay ng pag-ikot ng mundo:
itataas ang mga maliliit na kamay,
Ikakampay ang mga matatag na braso,
Pipiliting lumipad tulad ng isang ibong inakay.

Kinalimutan ko na ang gabi:
Ginapi na ng araw ang liwanag ng buwan,
Bumaba ang ulap at tinulak ang kabundukan sa tabi
Upang ikubli ang bigat na pinapasan.

Ganito ako sa aking paggising.
Kailangan magpatuloy, kahit wala ka na sa aking piling.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s