Ars Poetika

ni Allan Popa

Sa isang teorya sa pisika
walang anumang dalawang bagay
na maaaring ganap na magtagpo.
Mapipilit silang paglapitin
ngunit di kailanman mapagdidikit.

Laging may espasyong
papagitan sa kanila, gaano man
kakitid. Tulad ng mga paa
ng anghel na hindi sumasayad
sa lupa. Kaya tayo dumadama:
tinutulay ang pagkakahiwalay
upang humanap ng karamay
sa ating walang-hanggang pag-iisa.

Sumasalat tayo ng kahulugan:
hibla-hibla ng kawalan na sinusulid.
Hinahabi natin ang nadarama.
Ang mga katahimikan at patlang
sa pagitan ng bagay-bagay.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s