Minsan, Eraserheads

Medyo naka-get over na ako sa naging huling reunion concert nila. Pero sa artikulong ito ni Kenneth Roland A. Guda, hindi pa. Atsaka dun sa moment na kinanta nila yun Minsan pati Ang Huling El Bimbo (sayang yung piano. Tsk tsk..).

finalset24u

Ang larawan ay nagmula sa blog ni Jamael Jacob.

Napanaginipan ko sila noong nakaraang linggo. Hindi ko alam kung bakit. Sa panaginip, pumasok ako sa isang lumang bahay na gawa sa kahoy. Kulay orange ang ilaw. Nadatnan ko sa unang palapag si Ely Buendia. Sa ikalawa, si Buddy Zabala. Sa panghuling palapag, nakatanguan si Raimund Marasigan. Hindi ko maintindihan – hindi naman ako excited sa papalapit noong konsiyerto nila. Hindi ko naisip na manood. Pero nasa panaginip ko sila – maliban na lamang kay Marcus Adoro, ewan ko kung bakit – na ibig sabihi’y nasa laylayan ng kamalayan ko ang Eraserheads.

Basahin ang buong artikulo: Minsan, Eraserheads

finalset30au

Oo, dun ulit galing ang larawan, sa blog ni Jamael Jacob.

Minsan

Minsan sa may kalayaan
Tayo nagkatagpuan.
May mga sariling gimik
At kanya-kanyang hangad sa buhay.

Sa ilalim ng iisang bubong,
Mga sikretong ibinubulong.
Kahit na anong mangyari,
Kahit na saan ka man patungo.

Ngunit ngayon,
Kay bilis maglaho ng kahapon
Sana’y huwag kalimutan
Ang ating mga pinagsamahan.

At kung sakaling gipitin ay
Laging iisipin na
Minsan tayo ay naging tunay na
Magkaibigan.

Minsan ay parang wala nang bukas
Sa buhay natin.
Inuman hanggang sa magdamag
Na para bang tayo’y mauubusan.

Sa ilalim ng bilog na buwan
Mga tiyan nati’y walang laman.
Ngunit kahit na walang pera
Ang bawat gabi’y anong saya.

Minsan ay hindi mo na alam ang nangyayari,
Kahit na anong gawin
Lahat ng bagay ay merong hangganan.

Dahil ngayon,
Tayo ay nilimot ng kahapon.
Di na mapipilitang buhayin
Ang ating pinagsamahan.

Ngunit kung sakaling mapadaan,
Baka ikaw ay aking tawagan
Dahil minsan tayo ay naging tunay na
Magkaibigan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s