Nanatili sa iyong kamay ang piraso ng papel na walang nakasulat kahit ano.
Tinangka mong basahin ang mga linya ngunit hindi pinarinig sakin.
Hanggang kelan ka magtatago?
Hanggang kelan ko hihintayin ang ‘yong pagbalik?
Maligayang kaarawan, Pa.
Nanatili sa iyong kamay ang piraso ng papel na walang nakasulat kahit ano.
Tinangka mong basahin ang mga linya ngunit hindi pinarinig sakin.
Hanggang kelan ka magtatago?
Hanggang kelan ko hihintayin ang ‘yong pagbalik?
Maligayang kaarawan, Pa.
ni Allan Popa
Lagi’t laging may ikatlo,
Ako, ako at hindi-ako.
Nabanaagan minsan bago mamatay
Ang hinipang sindi ng gasera,
Pinagbubuksan
Kapag kumakatok sa pinto
Kahit walang inaasahang madaratnan,
Pinagbubuksan tuwina ang akala
Hanggang isang araw
Tumayo sa aking sorpresa
Ang isang estranghero at winika ko
Sa tinig ng hindi kayang magsinungaling,
“Ngayon ka lamang.
Hindi na kita hinihintay.”
Big Big World
by Emilia
I’m a big big girl
In a big big world
It’s not a big big thing if you leave me
But I do do feel that
I do do will miss you much
Miss you much…
I can see the first leaf falling
It’s all yellow and nice
It’s so very cold outside
Like the way I’m feeling inside
I’m a big big girl
In a big big world
It’s not a big big thing if you leave me
But I do do feel that
I do do will miss you much
Miss you much…
Outside it’s now raining
And tears are falling from my eyes
Why did it have to happen
Why did it all have to end
I’m a big big girl
In a big big world
It’s not a big big thing if you leave me
But I do do feel that
I do do will miss you much
Miss you much…
I have your arms around me ooooh like fire
But when I open my eyes
You’re gone…
I’m a big big girl
In a big big world
It’s not a big big thing if you leave me
But I do do feel that
I do do will miss you much
Miss you much…
I’m a big big girl
In a big big world
It’s not a big big thing if you leave me
But I do feel I will miss you much
Miss you much…
Patutugtugin ko ngayon ang mga paborito mong kanta:
Michael Learns, Bee Gees, OPM
Habang ala-ala ang mga sandaling
inaawit mo ang mga ito nang buong giliw.
Kung sabagay, ito naman ang hilig mo
habang nalulunod sa serbesa’t mahjong.
Aalalahanin ko ang mga bagay na ito,
At maaalala ko na rin ang matatamis mong ngiti.
Hahaplusin ko ng buong ingat ang mga sapatos
na lagi mong pinapagamit sa’kin,
Ang mga polo, jacket, t-shirt at shorts
At mangangarap na muli mo akong niyakap.
Aalalahanin ko ang iyong mga sigaw, pagkagalit,
Ang ating mga pagtatalo, pagtutunggali
Habang ramdam sa likod ng aking mga mata ang pagpatak ng iyong luha
Ang pagkadurog ng iyong pusong matagal nang umiibig sa’kin.
At dapat mong malaman,
Pabalik-balik ako sa lugar kung saan kita huling nasulyapan.
Hindi mo masusukat ang aking lumbay,
Ang hindi mabawas-bawasang sakit at pagkabigo.
Nanirahan na sa aking isip ang bangko, ang mesang kawayan,
ang ulan, ang lahat ng saksi ng iyong paglisan.
Malayo ang distansya sa pagitan natin
Pero walang katapusan ang pag-ibig ko sa’yo.
Habang binabasa ang artikulong Decaf: Try Mo! ni Teo S. Marasigan, nakita ko ang link ng blog ng isang nagngangalang Raymund Villanueva (at naiintriga talaga ako kung sino ito) kung saan natagpuan ko ang tulang ito. Two weeks na pala nakakalipas mula nung 5th death anniv ni Ka Fort.
Kung Bangkay Na Nilang Ituring Ang Ating Unyon
Tula ni Axel Pinpin para kay Diosdado ‘Ka Fort’ Fortuna
Kung musuleyo na itong pagawaan
At makina’y dugo na ang inilalangis
At ang mga pabrikang naging tahanan
Ng obrero’y ipinapansahod na’y tangis
Aawas tayong maaga’t magpakanayunan
Upang pamunuan ang kapwa Anakpawis.
Kung putok na ng baril ang ingay ng makina
At ang tangi nang puhuna’y ating lakas
Ng nangangapital na ang tubo’y pang-upa
Sa buhong na kwartel ng berdugo at dahas
Likhain natin ang pamutol-tanikala
Upang sa pagkaalipin tayo’y kumalas.
Kung bangkay na nilang ituring ang ating unyon
At akalaing ulilang lubos na ang hanay
Ng manggagawang wala nang luhang itaghoy;
Maso sa bandila’y tuloy ang pagpupugay,
Mga bayaning obrero’y martir at inspirasyon;
Mananatiling dakila hanggang sa tagumpay!
Is loving despite horrors and regrets a form of masochism? It’s not the horrors and regrets that you love –they are just consequences for loving and committing yourself to a singular universal Cause.
–Sir Gerry
Magandang punto to. Sige Mayeth, kausapin mo sarili mo.
Una. Ngayon naiintindihan mo na kung bakit nandyan ka pa rin, dahil tunay kang nagmamahal. Naks!
Pangalawa, ramdam mo ang maraming stress, problems, na matagal mo nang gustong “sapakin” (kung may mukha at katawan lang yan). Pero nandyan ka pa rin. Hindi masama na manatili ka dyan kahit alam mong maraming nakaka-stress at anxiety kang haharapin. At malinaw, hindi porke pinili mong magtagal o manatili dyan e kasabay mo nang niyayakap ang mga bagay na nagdudulot sayo ng stress. Magkaiba ang mga bagay na nagdudulot ng stress o anxiety at ang bagay na dahilan kung bakit ka nandyan.
Pangatlo, pwede mong “sapakin” ang stress/anxiety-maker o producer o whatever. I mean, kung nagiging dahilan yan para mapanghinaan ka ng loob na magpatuloy, o sabi nga ni Sir Gerry “to keep the desire forever”, dapat bigwasan na yan. Harapin. Tunggaliin. Huwag mong kimkimin yan (huwag ipunin sa loob, hindi ka yayaman). In short, wag kang liberal.
Kanina lang iniisip ko yung sinabi ni Sir *****, umpisahan ko na raw magsulat ng journal. Actually nung sinabi niya yun naisip ko agad na hindi ko bet dahil ma-effort masyado. Pero ngayon after ko isulat ‘to, na-realize kong maraming bagay ang naproseso sa utak ko. In fairness.
May gagawin akong eksperimento. Mamaya tatakbo ako. Tignan natin kung makakatulong sa debriefing, hehe.
Hindi ko na siya mahal, natitiyak ko, ngunit baka mahal ko siya.
Napakaikli ng pag-ibig, napakahaba ng paglimot.
-Awit ng Pag-ibig XX
Pablo Neruda
Salin ni Virgilio S. Almario
Theme: Rubric. Blog at WordPress.com.