*Piyesa*

January 25, 2012

A love letter: From Po to Ka

Filed under: Mga Tula — piyesanimayeth @ 7:04 pm
Tags: ,

I want to know how many scars you have

and memorize the shape of your tongue.

I want to climb the curve of your lower back

and count your vertebrae

your ribs

your fingers

your goose bumps.

I want to chart the topography of your anatomy

And be fluent in your body language.

I want you, entire.

 

“I want you, entire.” This reminds me of Kierkegaard’s concept of love: ‎”To love another in spite of his weaknesses and errors and imperfections is not perfect love. No, to love is to find him lovable in spite of and together with his weakness and errors and imperfections.”

Disclaimer: Despite my strong urge to claim the authorship of this poem (hahaha), this isn’t mine. I just saw it posted on my friend’s facebook wall.  =)

January 5, 2012

Argentina, don’t cry for me

Filed under: Chummy — piyesanimayeth @ 1:11 pm
Tags: ,

Una, naparami ang buhos ko ng mantika sa kawali. Hindi naman sobrang dami, pero relatibong marami para iluto ang isang lata ng Argentina corned beef na 175 grams (fortified with zinc and iron). Mabigat sa dibdib dahil ang mahal-mahal ng mantika ngayon. Mantakin ba namang P20 ang isang plastic ng mantika, yung maliit na plastic na ginagamit kapag bumibili ng 8 oz na bote ng softdrink. Ang mahal! Bagong taon pa naman, pero ang trend sa presyo ng mga bilihin hindi nagbabago – pataas pa rin!

Tapos edi yun na nga. Bumili rin ako ng bigas na hindi ko naman naluto dahil pag-uwi ko may sinaing na. Bet! Perfect! Pinainitan ko na yun kawali at nag-gisa ng sibuyas bago binuhos yung corned beef. Bigla kong naisip kumuha ng itlog. Sa sobrang kagutuman, sa kawali ko na biniyak yung itlog at dun na rin ini-scramble kasama ng corned beef. Saka ko lang na-realize na parang mali yung ginawa ko. Naalala ko tuloy yung luto ng nanay ni Soleil. Parang ganun din yung ginawa niya. Kaso iba yung hitsura ng corned beef niya pagkatapos maluto.

Anyway, eto na nga yung luto ko. Mukang nakakain naman eh. Di ba? Di ba??

December 5, 2011

Ang huling saknong

Filed under: Mga Tula — piyesanimayeth @ 2:21 pm

“Kapag umuulan pinakamasakit ang mga alaala.”

- Ricky Lee, Kabilang sa mga Nawawala

 

Sa tuwing umuulan, naaalala ko –

ang mesang kawayan

bughaw na kumot

unan sa upuan

mga luha at ungol

at lahat ng saksi sa iyong di mapigilang pag-alis.

 

Disyembre 4, 2011

 

Tatlong saknong ang naisulat ko. Nang matapos ang ikatlo, binura ko ang una at ikalawa. Ang natira na lamang ay mga huling alaala, at ang puwang – ang kawalan sa espasyo at espasyo sa kawalan.

November 29, 2011

Ang daan pabalik

Filed under: Mga Tula — piyesanimayeth @ 8:27 pm

Tinatanaw ko ang daan patungo roon sa gustong marating.

Patuloy ka sa paglakad,

tinatahak ang direksyong marahil bago at di mo pa nararating.

 

Ngunit ako,

isa lang ang gusto ko:

Ang daan pabalik.

November 2, 2011

Si Adel hinggil sa pagdadalamhati

Filed under: Mga Kowts — piyesanimayeth @ 7:06 pm

Madz, wala na tatay ni Soleil.

 

Oo nga tinawagan ko siya. Di man lang ako nakapag-bantay.

 

Nalulungkot ako.

 

Kahit kailan naman hindi tayo nagdidiwang sa kamatayan nino man kahit pa ng kaaway na malinaw na salungat sa interes ng mamamayan. Ang buhay ang ating ipinagdiriwang at kung pano ito pinairal ng taong yumao na. Naging mabuting tao naman si Tito Ed at hindi man siya malinaw na nasa ating hanay, kabutihan nila Soleil ang palagi niyang inaalala.

 

Tama ka. Salamat at kahit sa yugto ng kalungkutan andyan ka para maglinaw at itaas ang pag-unawa sa pagdadalamhati sa pinakamatalas na linya. Payakap madz.

October 20, 2011

Sagot sa “Liham ng Ama sa Anak”

Filed under: Uncategorized — piyesanimayeth @ 6:50 pm

Nanatili sa iyong kamay ang piraso ng papel na walang nakasulat kahit ano.

Tinangka mong basahin ang mga linya ngunit hindi pinarinig sakin.

Hanggang kelan ka magtatago?

Hanggang kelan ko hihintayin ang ‘yong pagbalik?

 

Maligayang kaarawan, Pa.

June 29, 2011

Ang Ikatlo

Filed under: Mga Tula — piyesanimayeth @ 4:40 pm
Tags: ,

ni Allan Popa

 

Lagi’t laging may ikatlo,

Ako, ako at hindi-ako.

 

Nabanaagan minsan bago mamatay

Ang hinipang sindi ng gasera,

 

Pinagbubuksan

Kapag kumakatok sa pinto

Kahit walang inaasahang madaratnan,

Pinagbubuksan tuwina ang akala

 

Hanggang isang araw

Tumayo sa aking sorpresa

Ang isang estranghero at winika ko

Sa tinig ng hindi kayang magsinungaling,

 

“Ngayon ka lamang.

Hindi na kita hinihintay.”

Next Page »

Theme: Rubric. Blog at WordPress.com.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.